RA 9994 · RA 10754

Senior citizen at PWD discount, tamang kuwenta.

Tanggalin muna ang VAT, tsaka bawasan ng 20%. Hindi 20% agad sa presyo sa istante — magkaiba sila, at ang pagkakaiba ay pera ng customer at ang exposure ninyo kapag may nag-review.

Libre ito at walang kailangang account. Ilagay lang ang presyo.

₱
Subukan
Presyo sa istante₱112.00
Tanggalin ang VAT (12%)− ₱12.00
Halaga na walang VAT₱100.00
Bawas 20% (senior o PWD)− ₱20.00
Babayaran ng customer₱80.00

Natipid: ₱32.00

Ang madalas na mali: ₱89.60

Iyan ang lalabas kung 20% ang babawasin agad sa ₱112.00 — hindi tinanggal ang VAT bago nagbawas. Sobrang singil iyon ng ₱9.60 sa senior, at hindi tutugma ang claim ninyo kapag may nag-review.

Ganito mismo ang kuwenta ng BotikaPOS sa bawat benta — kasama ang ID number, pangalan at booklet number, nakakabit sa resibo.

Bakit ganoon ang pagkakasunod-sunod?

Ang senior citizen at ang PWD ay hindi lang binibigyan ng 20% discount — exempt din sila sa VAT. Dalawang bagay iyon, hindi isa. Kaya kailangang tanggalin muna ang 12% VAT sa presyo bago mag-bawas ng 20%, dahil hindi sila dapat magbayad ng VAT na iyon sa simula pa lang.

Kung 20% agad ang ibabawas sa presyong may VAT pa sa loob, dalawang bagay ang nangyayari: kulang ang natanggap na discount ng customer, at ang naitala ninyong VAT ay hindi tutugma sa dapat — kaya magulo ang claim ninyo kapag may nag-review.

Sa isang benta, ilang piso lang ang pagkakaiba. Sa isang taon ng senior citizens na bumibili ng maintenance na gamot linggo-linggo, hindi na ito maliit — at ang record na hindi tumutugma ang tinitingnan, hindi ang halaga.

Batayan: RA 9994 (Expanded Senior Citizens Act of 2010), RA 10754 (PWD), at RA 11467 para sa VAT-exempt na maintenance na gamot. Hindi ito legal na payo — kung may partikular kayong tanong sa claims ninyo, kausapin ang accountant ninyo.

Madalas itanong

Paano mag-compute ng senior citizen discount sa gamot?
Tanggalin muna ang 12% VAT sa presyo sa istante, tapos bawasan ng 20% ang halagang walang VAT. Halimbawa: ₱112 → alisin ang VAT → ₱100 → bawas 20% → ₱80 ang babayaran.
Bakit hindi 20% agad sa presyo sa istante?
Dahil ang senior citizen at PWD ay exempt din sa VAT, hindi lang binibigyan ng 20% discount. Kung 20% agad ang ibabawas sa ₱112, magiging ₱89.60 — sobrang singil ng ₱9.60 at hindi tutugma ang claim ninyo sa BIR.
Pareho ba ang computation ng PWD discount?
Oo. Pareho ang 20% at ang VAT exemption sa ilalim ng RA 10754 para sa PWD at RA 9994 para sa senior citizen.
Paano kung maintenance na gamot na VAT-exempt na?
Ang mga gamot para sa diabetes, hypertension at cholesterol ay VAT-exempt na sa ilalim ng RA 11467, kaya walang VAT na tatanggalin. Ang 20% ay ibabawas na agad sa presyo.
Ano ang kailangan kong itala sa senior citizen discount?
Ang senior citizen o PWD ID number, ang pangalan ng may hawak, at ang booklet number — nakakabit sa mismong benta, para matugma kapag may nag-review ng mga claim ninyo.

Kung POS naman ang hinahanap ninyo: ano ang dapat kayang gawin ng isang pharmacy POS sa Pilipinas.

Hindi na kayo magkukuwenta nito kada benta.

Sa BotikaPOS, automatic ang senior at PWD discount sa tamang pagkakasunod-sunod, at nakukuha na rin ang ID number, pangalan at booklet number — nakakabit sa mismong benta, handa kapag may nag-review.

Walang card na hihingin. ₱799 kada buwan pagkatapos, lahat ng branch kasama.